Papelitos ng STL, gamit ni “BP” sa jueteng

WALANG  kaduda-duda na nagsisinungaling si Pampanga Gov. Baby Pineda na walang jueteng sa kanyang nasasakupan matapos mabulgar na ginagamit ng kabiyak nitong si Bong Pineda ang papelitos ng Small Town Lottery (STL)  sa pangungubra ng jueteng sa lalawigan.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona Jr., na lalong pang bumigat ang hinalang nagsisinungaling si Gov. Pineda nang mabulgar na umaabot sa P300M ang koleksiyon ng jueteng sa lalawigan kada buwan.

Ayon kay dating Pampanga Gov. Among Ed Panlilio na patuloy ang operasyon ng jueteng ngayon sa Pampanga taliwas sa pahayag ni Gov. Pineda na walang illegal na pasugalan sa lalawigan na gingamit ang papelitos ng PCSO sa pangangalap ng taya sa jueteng.

“To prove our point that, indeed jueteng is blatantly going on in our province under gh guise of STL, one of my friends placed a bet neat a church in San Fernando last July. The bet collector wrote the pair of numbers at the back of the elongated yellow paper. The he wrote the initials “BP” just above the numbers. When my friends asked what those initials meant, the bet collector said “Bong Pineda,” ayon kay Panlilio.

Pinatunayan pa ni Panilio na ginagamit ng kampo ni Pineda ang papelitos ng STL mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya’t hindi nagagawang madakip ng awtoridad ang mga kubrador dahil bukod sa naturang papelitos, may ID at uniporme sila ng STL.

Nagbigay din ng kopya ng papelitos si Panlilio sa Blue Ribbon Committee upang patunayan na magkakapareho ang numero ng bawat piraso ng papelitos sa isang booklet na ipinamamahagi ng PCSO sa pangongolekta ng taya sa STL na siyang ginamit din sa jueteng. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply