Parusang bitay ibalik na vs mga korap, kriminal

BUKOD sa dinidinig na mga kasong katulad ng Maguindanao massacre, may iba pang mga kaso na pupuwedeng pagbasehan ng pagbabalik ng parusang bitay.

Sinusubaybayan natin ang mga krimen na nagaganap at meron talagang maituturing na mga karumal-dumal.

Parusang bitay ang dapat na katapat ng mga ito at hindi lang habambuhay o 40 taong na pagkakulong lamang.

oOo

Kabilang sa mga krimen na karumal-dumal ang gangrape.

Itong volunteer nurse natin na ni-gangrape sa South Upi, Maguindanao ay malamang umanong maparalisa sa kalahati ng katawan dahil sa matinding sugat sa ulo na kanyang tinamo.

Kabilang ang biktima ng nasa 138 volunteer nurses na idineploy sa Maguindanao.

May ni-gangrape din sa Quezon City sa at binaboy pa ang biktima sa pagturing sa kanya na hayop habang pinagpapasasaan sa puwet.

Sa mga nakumpiskang kagamitan sa loob ng sasakyan na ginamit sa pagkidnap at panggagahasa ng tatlo demonyo sa biktima, nakitang baka hindi lang ang huling biktima ang binaboy ng mga ito.

Kung maalaala ninyo, bitay ang iginawad sa gangrape ng aktres na si Maggie de la Riva. Sinunog sa electric chair ang tatlo sa mga suspek: Jaime Jose, Basilio Pineda and Edgardo Aquino.

Ganito rin dapat ang parusa sa mga nangga-gangrape ngayon.

Op kors, lumalabas din kung gaano kalalaki ang mga nakawan sa pamahalaan sa kalagitnaan ng pukpukan na imbestigasyon sa mga pinaggagawa ng nakaraang administrasyon.

Itinuturing na karumal-dumal na krimen ang pagnanakaw ng halagang P50 milyon pataas mula sa kaban ng bayan. Eh bilyon-bilyong piso ang ninanakaw.

Kaso wala pang nabibitay sa mga hunghang na ito.

oOo

Kung susuriin ang kasaysayan ng repablik ni Juan, buhay na buhay ang nasabing parusa simula sa labanan nina Magellan at Lapu-Lapu hanggang sa pinatigil ito noong 1986.

Ginarrote o pinatay sa sakal sa leeg ang mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos and Jocinto Zamora dahil umano sa pagiging rebelde. Firing squad naman ang inabot ni Gat Jose Rizal.

Nang sinakop tayo ni Uncle Sam, bitay sa electric chair ang ginamit at nasampolan nga ang mga rapist ni Maggie.

Firing squad naman ang pinambitay kay Lim Seng noong 1972 sa pagiging druglord nito.

Nawala ang parusa noong 1986 pero ibinalik ito ni Pangulong Fidel Ramos at nasampulan si Leo Echegaray na nang-rape sa sarili niyang anak.

Muling binura ang parusa noong Hunyo 24, 2006 ni Gloripie.

Dahil sa pagkabura nito, nakupo, katakot-takot na nakawan sa salapi ni Juan ang naganap at tiyak na makaliligtas sa bitay ang mga may kagagawan nito, kasama na ang mga bagong gangrapists.

O P-Noy, isama mo kaya sa RH bill ang parusang bitay! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply