Paruyan nakopo ng Liquigaz

ISINAMA ng koponang Liquigaz ang kampeonato ng  Ginebra San Miguel Tour sa Paruyan 2010 sa kanilang talaan kamakalawa sa bayan ng Talisay, Camarines Norte matapos maitala ang uno-dos na pagtatapos.

Unang tinawid ni  Ronnel Hualda ang meta kasunod  ang kakuwadrang Sonshine race individual champion na si Cris Joven, samantalang   pasok din sa unang 10 ang  dalawa pa nilang  kakosa sa karerang kabahagi ng taunang kapistahan ng bayan.

Hinablot  nina Hualda at Joven ang cash prize na P10,000 at P8,000 samantalang  kay  Mark Julius Bonzo nauwi ang   third prize na P6,000  sa larong isinaayos ni Talisay Vice Mayor Juancho Ramores, dating back-to-back Marlboro Tour King of the Mountain.

Nangibabaw sa  Racer B category si Romeo Camingao matapos makasingit  sa isa pang rematehan laban sa  mga dating tour veterans na sina Rolando Pagnanawon, Ruel Gendrano at Elpidio Untalan na siyang
tumapos na pangalawa hanggang pang-apat.

Ang dating national rider na si Nilo Estayo ang una sa Mt. Bike Category A, si Arnel Marmol Fajardo sa Category B, at ang Bikolanong si Joel Avilado para sa Category C, na para sa mga Oragon lamang, ng event na sinuportado din nina Talisay Mayor Ronnie Agana at Camarines Sur Governor Egay Tallado.

Pinarangalan ang Top 3 sa  karerang tinaguriang Search for Siklistang Magayon,  na sina Precious Jewel Lasan ng Labo, na sinundan ng kababayang si Amapola Paez samantalang nagkasya sa tanso si Alyana Barana ng Daet. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply