Pasahero ng barko natiklo sa baril

NABUKO  ang tangkang pagtatago ng isang lalaking pasahero ng barko sa dala nitong baril  na nakalagay sa loob ng lata ng biscuit matapos makita sa x-ray machine kamakalawa sa North Harbor,  Maynila.

Pinigil ng mga security guard ng Negros Navigation Shipping Company ang suspek na si Nitro Noel bago inilipat sa kustodiya ng Philippine Coast Guard(PCG) na siyang maglilipat sa Manila Police District (MPD).

Nabatid na pasakay na umano ng M/V Saint Peter de Apostle papuntang Bacolod, si Noel nang makita ang .38 kalibre sa kanyang mga gamit.

Sinabi naman  ni Lt.Commander Armand Balilo,spokesman ng PCG na nanatiling alerto ang may 6,000 personnel ng PCG na nasa iba’t ibang daungan sa bansa para sa paggunita ng Undas.

Bukod sa paglalagay ng passengers assistance centers (PAC) sa lahat ng daungan,itinalaga din ni Admiral Wilfredo Tamayo, CG Commandant ang Coast Guards’s Deployable Response Group (DRG) na tutulong sa pangangasiwa  para mapanatiling mapayapa ang paggunita ng Undas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply