Paslit lumutang sa ilog

DAHIL sa hirap ng buhay ang naging sanhi ng kamatayan ng isang paslit na bata matapos mahulog sa ilog nula sa tinitirhan nilang balsa, sa Northbay Bolevard South, Navotas City.

Ang biktima ay nakilalang si Rossana Marrie, tatlong taon gulang at nakatira sa balsa na nilagyan ng bubong, sa ilog ng Babanse, ng nasabing lugar.

Sa ulat ni PO1 Tristan de Lara, dakong alas-2:00  ng hapon nang matagpuang nakalutang ang bata sa ilog.

Base sa salaysay ng ina ng biktima na si Rosemarie Lasaca, 32, ganap na alas 7:00 ng umaga nang iwanan ang dalawang anak sa  kanilang tinitirahan para maghanap ng pera na pambili ng kanilang pagkain.

Laking gulat niya nang  makitang isa lamang ang naabutang anak at sinabi nito na nahulog sa ilog ang bunsong kapatid hanggang sila ay humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Ganap na alas 2:00 ng hapon nang matagpuan ang bata na wala ng buhay.

Nabatid na ang pamilya Lasaca ay isa sa pamilyang nasunugan sa malaking sunog sa Navotas west noong nakaraang buwan at hindi na  nakakatangap ng ticket para sa libreng pagkain bigay ng lokal na pamahalaan kaya napadpad ang mga ito sa nasabing lugar. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply