Patakbong pang-klima sa ‘D Fort

RARAGASA ang 1st Klima Fun Run sa Sabado sa The Fort sa Taguig.

Isinaayos ni Edward Kho ng Carl Diesberg Association of the Philippines (CDAP), ang 3-in-1 footrace ay tatampukan ng 10-kilometrong distansiya at  mga side event na lima at tatlong kilometrong ruta.

Sinabi ni Mr. Kho,  sa pakikipagtulungan ng CDAP sa Maharlika Village Islamic Foundation, na mga proyektong pang-edukasyon, empowerment, poverty alleviation at pangangalaga ng kalikasan ang layong tustusan sa matitipong pondo buhat sa naturang patakbo.

Ilan lang sa proyektong ito ay ang 11th Annual Scholarship Program, Parenting Seminars, Teachers Training Activities, high school improvement, pagtatayo ng perimeter wall at covered court, na naisira ng Bagyong Ondoy.

Para sa iba pang impormasyon sa run for a cause na ito, makipagtalastasan  kina Leah Gatchalian (0917-8342361) at Saphia April Al-Raschid (0917-8433002). Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply