Patawan ng tax evasion ang 2 kompanya ng Hapon

MALAMANG ay makasuhan ng tax evasion ang dalawang untouchable na malalaking  kompanya ng Hapon na nakabase sa  Laguna matapos na pekein ng mga ito ang kanilang dokumento at hindi magbayad ng kanilang buwis, ayon sa pagbusisi ng Bureau of Internal Revenue sa records ng mga ito.

Ang mga kompanya ay Nitto Denko Philippines Corp. at ang sister company nitong Kyoshin Philippines Corp. na pinamumunuan ni Hiroyasu Furuta bilang pangulo.

Sa dokumento ng BIR, ang mga kompanya na dapat sanang magbayad ng mahigit sa P5M para sa kanilang buwis, e hindi nagbigay kahit sentimo. (Tarantado kasi ang mga Filipinong nasa likod ng mga Hapones).

Ang grabe pa nito, inutusan pa umano ni Furuta  ang tatlo niyang empleyado mula sa Human Resource at Accounting Departments na palsipikahin ang opisyal na resibo ng BIR at palabasin na ang Kyoshin Philippines Corp. ay nakapagbayad sa gobyerno ng halaga na P1,903,306.01. Pero ang pera ay  ibinulsa lang ni Furuta pagkatapos na singilin niya ang kanyang mga ka-partner sa korporasyon. (Uhhh dorobo ne…).

Sa nakalap nating “impo” sa BIR, si Furuta ay naninirahan sa ating bansa sa loob ng maraming taon at nabubuhay nang malahari at marangya sa isang mamahaling “condo” sa Makati.

Masinsinan nang sinisiyasat ng BIR ang background ni Furuta at  ang mga kompanya nito upang mahalukay ang iba pang mga anomalya na nagawa nito sa nakaraan.

Kamakailan ay inatasan ni PNoy si BIR Com. Kim Henares na habulin ang mga tax evader gaya ng dorobong si Furuta.

O ano pa ang ginagawa mo Com. Henares!!!!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply