PDEA kinulit ni Villar sa ‘Pinoy drug mules’

NANAWAGAN  si Sen. Manny Villar sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na  sugpuin ang sindikatong nasa likod ng paggamit ng mga Pilipino bilang drug mules sa abroad na siyang nagbibigay ng masamang imahe sa bansa.

“Nakakalungkot isipin na negatibong imahe ang nakukuha ng ating bansa dahil sa sunod-sunod na pag-aresto sa mga Pinoy na ginagamit bilang drug couriers. Sa katunayan, di alam ng marami sa kanila na droga pala ang kanilang dala-dala,”  wika ni  Villar.

Inihain ni Villar ang  Senate Resolution No. 122 na naghihikayat sa Senate Committee on Foreign Relations at Committee on Public Order and Illegal Drugs na imbestigahan ang pag-aresto sa maraming OFWs sa Southeast Asia na ginagamit bilang mga drug couriers ng mga international drug syndicates. Noong Agosto 2009, dalawang OFW na nagta-trabaho bilang mga guro sa China at nagsa-sideline bilang mga drug couriers ang inaresto paglapag sa NAIA dahil sa pagdadala ng mahigit 800 gramo ng heroin. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply