Peñalosa pasok sa Melindo undercard

Matapos ang siyam ng buwan, natupad na ang dasal ni Dodie Boy Peñalosa Jr. na matuloy ang kanyang second professional fight.

Ang anak ni dating two division world boxing champion Diosdado “Dodie Boy” Peñalosa ay lumagda ng isang co-managerial contract kasama sina WBA interim superflyweight titlist Nonito Donaire, Jr. at Cameron Dunkin ngayong taon.

Nagkasundo na rin umano sina Donaire at Dunkin para sa isang promotional deal sa TKO Boxing sa Amerika ngunit bumagsak ang itinakdang schedule.

Ang unang kalaban niya ay lumagpas sa official weight limit.

Ayon sa kampo ni Peñalosa, isang kaliwete, inaayos na nila ang laban nito para sa undercard ng Milan Melindo vs. Carlos Tamara ngayong November.

Ang 19-anyos na southpaw ay ginawa ang kanyang professional debut noong January 23 kung saan pinabagsak niya si Anthony Balubar sa dalawang rounds sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ang laban ay undercard ng IBF jr. flyweight title bout nina Carlos Tamara at Brian Viloria. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply