Peñalosa ready na vs Thai pug sa Oct. 10

MULING sasampa sa ibabaw ng ring sa October 10 sa main event ng 50-round fight card sa Zamboanga si dating two-time world champion, Gerry “Fearless” Peñalosa (54-8-2, 36 KOs) para sagupain si Thai number one bantamweight Yodsaengkengn “Robot” Kiatmungmee (12-2-0, 8 KOs) sa loob ng 10 rounds.

Samantala, sa supporting main events, sina Michael Fareñas (28-3-3, 25 KOs) at Jimrex Jaca (31-6-3, 16 KOs) ay haharap sa kani-kanilang Korean opponents.

Sasagupa si Fareñas kay Jung-Hoon Kim (8-9-0, 4 KOs) habang si Jaca ay makikipagbangasan kay Jong-Yoon Choi (6-1-0, 2 KOs).

Ayon kay Peñalosa, makikinabang sa laban na ito si retired Filipino boxer Z Gorres dahil ang kita rito ay itutulong para sa medical expenses ng baldadong boksingero.

Ang slambang card naman ay ipapalabas pagkalipas ng isang linggo sa October 17 bandang 1 p.m. sa pamamagitan ng RPN-Solar TV.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply