Perez ‘di tatagal kay Banal

BAGAMA’T nangako na si Pinoy highly rated bantamweight AJ ‘Bazooka’ Banal (22-1-1, 18KO) na hindi tatagal sa kanya si Luis Alberto Perez (26-4-0, 17KO) ay nagbanta naman ang huli na alam na nila ang susi kung paano tatalunin ang Filipino pugilist.

“We know the key to beat him (Banal),” deklara ni Mario Antonio Garcia ng Team Perez. “We know of at least three ways how to beat him.”

Subalit tumanggi naman si Garcia, manager ni Perez, na idetalye ang pahayag na ito sa pagsasabing malalaman nila ito sa oras na magtagpo na ang kanilang mga landas sa Sabado.

Si Perez, dating IBF title holder sa flyweight at bamtamweight class, ay sasagupa kay Banal sa Sabado, Oct. 30, sa Waterfront Hotel & Casino  sa lalawigan ng Cebu na siyang pinakamabigat na misyon ni Banal.

Matatandaan na natalo na si Banal sa kamao ni Rafael Concepcion ng Panama noong July 2008 sa Cebu Coliseum nang sumuko ito sa 10th round dahil sa matinding parusa.

Isa sa mga itinurong dahilan ay ang pagkaubos ng stamina ng Pinoy pug.

Ang mananalo sa laban na ito ay mabibigyan ng pagkakataong makaharap si WBO super bantam champion Wilfredo Vazquez, Jr. ng Puerto Rico. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply