Pick 3 ni Nes Maring C. sa QC

Natigil ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa Metro Manila matapos magdeklara ng ‘all-out-war’ ang National Capital Region Police Office laban dito.

Pero ang ‘pick-3’ na kilala sa tawag na lotteng ng isang ‘Nes Maring C’ sa Novaliches, Quezon City ay hindi huminto, bagkus lumakas pa.

Ang sentro ng operasyon ni ‘Nes Maring C.’ ay ang Brgy. Bartolome, ang lugar na kung saan ang kanyang ama ay dating opisyal ng barangay.

Ang ngiti raw ni ‘Nes Maring C’ ay abot tenga dahil tumitiba ng kita ang kanyang pasugalan dahil nahinto ang lahat ng klase ng sugal sa Novaliches, QC.

Super-bagyo raw ang gambling lady na ito sa hepe ng Novaliches police station. Sino nga ba ang hepe ng estasyon na ito.

Sa kapariwaraan ng opisyal ng Nova police station, ‘di malayong baka masibak ito sa puwesto.
Nakalimutan yata ang babala ni Dir. Gen. Raul Bacalzo.

Yan yong ‘one-strike’ policy na ang pakahulugan, masisibak ang police official na mahuhulihan ng sugal sa kanyang hurisdiksiyon.

May babala na nga, pero may operasyon pa ng sugal sa QC. Ganyan kalakas si ‘Nes Maring C’ sa pamahalaan ni mayor Bistek.

Diyan pa rin sa Novaliches, inirereklamo ang isa pang brgy. official na may negosyong hulog-boundary sa mga tricycle driver.

Mataas pa raw sa ‘5-6’ ng mga bumbay ang tubo na ipinapatong ng nasabing brgy. official kaya hirap sa paghulog ang mga umuutang.

Sa negosyong ito raw yumaman ang brgy. official na tawagin na lamang nating si Mang Dongas ng Brgy. San Bartolome.

Nakapagpagawa raw ng sampung paupahang apartment si Mang Dongas mula sa sobra-sobrang patong na kinikita sa kanyang hulog-boundary business.

Aba’y, minumura  si Mang Dongas ng kanyang mga pinapautang na masasabi nating kapit sa patalim dahil sa kahirapan.

May nakapagbulong sa Chokepoint na si Mang Dongas na mataas ang tungkulin sa isang kilalang religious group ay may chiching na inaalagaan.

Kaya siguro, ganon na lamang ang taas ng tubong ipinapatong ni Mang Dongas sa kanyang negosyong hulog-boundary.

Suhestiyon natin sa mga taga-San Bartolome, sa Oktubre 25 ay election ulit. Baka si Mang Dongas ay muling tatakbo, aba’y kalimutan n’yo na siya. Bong Padua

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply