Pinagbintangang nagnakaw ng iPhone, anak nagbigti

HINDI nakayanan ng isang binata nang pagbintangan ng ama na kumuha ng iPhone na naging daan nang pagpapatiwakal nito sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili, kamakalawa ng umaga, sa Taytay, Rizal.

Nakilala ang nagpatiwakal na si Benjamin Javier III ,31 anyos, kasalukuyang naninirahan sa  #9 Sitio Burol-I, Brgy. Dolores, sa nabanggit na bayan.

Natagpuan ang biktima bandang-5:45 ng umaga nang isa sa kaanak ang napagawi sa garahe at nakita itong nakabitin. Sa imbestigasiyon ng pulisya, ang biktima ay napagalitan ng ama nitong nagdaang araw  matapos na mapagbintangan na kumuha ng nawawalang iPhone.

Natagpuan sa tabi ng biktima ang isang suicide note na nagsasaad na  matagal na nitong gustong gawin ang pagpapatiwakal saka humingi ng tawad sa Diyos at sa kanyang mga magulang.

Sinasabi sa sulat na itinatanggi ng biktima na hindi siya ang gumawa ng ibinibintang sa kanya at hindi na rin daw niya mahihintay pa ang kanyang mommy.

Napatunayan na ang suicide note ay sulat kamay ng biktima. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply