Pink Run kontra Breast Cancer

PLANTSADO na ng Philippine Society of General Surgeons Metro-Manila Chapter (PSGS-MMC) ang advocacy run sa  sa Oct. 17 sa McKinley Hills, Taguig City.

Binansagang  “The Pink Run: D’ Feeting Breast Cancer”, ang 4-in-1 footrace  ay naglalayong makatipon ng pondo para sa mga proyekto nito at imulat ang lahat sa paglaban sa epekto at bagsik ng sakit na ito.

Mayroon  ditong libreng maagang pagkadiskubre ng naturang karamdaman para sa mga mahihirap nating kababayan, sa pamamagitan ng Breast Cancer Clinical Screening at  kampanyang pang-edukasyon laban dito.

Tatampukan  ng 15-kilometrong distansiya at mga side event na 10-km., 5-km. at 3-km.  ang rutang itinataguyod ng Pharex, Le Donne, Astra zeneca, Venic Piazza, R.O.X., Mizuno, Curves at pinamamahalaan ng Effective Media.

Sa mga nais pang magpatala, makipagugnayan ang pangulo ng   Effective Media, na si Eduardo Fernandez sa #67 Marivelez St. Sta. Mesa Heights, Quezon City o tawagan ang mga teleponong may bilang na 413-8083 at 491-5105. Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply