Pinoy woodpushers itinumba ng Russia

KINAPOS ang Pilipinas sa 48th seeded Estonia, 1.5-2.5 sa 11th at final round ng 39th World Chess Olympiad na ginanap sa Khanty-Mansiysk, Russia.

Natalo sa board 4 encounter si Pinoy IM Richard Bitoon, (ELO 2447), laban kay IM Aleksandr Volodin, (2433) sa 53 moves ng Sicilian defense habang tabla ang laban nina super grandmaster Wesley So, GMs John Paul Gomez at Darwin Laylo sa higher boards ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa pagkatalo ng RP bets nalaglag ito mula sa 49th hanggang 63rd places na may 12 team match point at mabigong malampasan ang 46th-place finish noong 2008 sa 38th World Chess Olympiad sa Dresden, Germany.

Nairaos naman ng second seeded Ukraine ang limang araw na pamamayagpag sa unahan matapos makipaghatian sa no. 11th seed Israel, 2-2 sapat upang angkinin ang kampeonato sa score na 19 points.

Nasa solo second place ang top seeded Russia 1 na may 18 puntos matapos ang 2-2 resulta laban sa 16th seeded Spain.

Lumanding sa 3rd to 4th places ang Spain kasama ang no. 5 seed Hungary na may 17 puntos.

Nasa fifth to 10th places ang defending champion Armenia na may 16 puntos kasalo ang bansang China, Russia 2, Spain, USA at France.

Samantala, nagwagi ang team Philippines sa Brazil, 2.5-1.5 upang itala ang final 12 points sa women’s section.

Kinaldag ni WFM Shercila Cua, (ELO 2009) si WFM Amanda Marquez Pereira, (ELO 1980), sa 47 sulungan ng Nimzo-Indian sa board two habang tabla ang laban nina WFM Chardine Cheradee Camacho, Rulp Ylem Jose at Jedara Docena sa boards one, three at four ayon sa pagkakasunod.

Nasa 44th place ang Filipinas kasalo ang 11 bansa. Nakopo ng Russia 1 ang titulo na may 22 total points. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply