PMPC Star Awards, nairaos kahit ibinitin ng producer

BAGAMA’T dumaan sa pagsubok ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa ika-2 taon ng Star Awards for Music sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila, Quezon City, noong Linggo ng gabi, ika-10 ng Oktubre, 2010 ay matagumpay na nairaos.

Tatlong  awards ang napanalunan ni Erik Santos, ang Male Pop Artist. Pop Album of the Year at Male Recording Artist of the Year sa parehong album na The Jim Brickman Songbook of Star Records, at sa huling award ay naka-tie niya si Christian Batuista para naman sa Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan of Universal Records. Gabi ito ni Eric na kung saan ay mismong kaarawan niya.

Bukod kina Erik at Christian, nag-tie rin sina Aiza Seguerra at Sabrina para sa Female Acoustic Artist of the Year at sa Rap Album of the Year ay tabla rin ang Chika Lang Yon of Alpha Records at Clubzilla of Dongalo Wreckords.

Gabi ng mga sikat na bituin sa larangan ng musika ang nagsidalo, naroon sina Piolo Pascual, Christian Bautista, Jericho Rosales, Erik Santos, KC Concepcion, Aiza Seguerra, Sarah Geronimo, Nina, Jay R, Freddie Aguilar, German Moreno, Rhap Salazar, Nanette Inventor, Franchesca Farr, La Diva, Geoff Taylor, Sam Concepcion, Mascualdos Dos, at marami pang iba.

Ipinagkaloob kay Ms. Pilita Corrales ang Lifetime Achievement Award. Nauna rito ang pag-awit ng La Diva ng medley of Pilita’s well-loved songs, tulad ng “A Million Thanks To You,” “Kapantay Ay Langit,” “Usahay,” among others.

Sa kanyang  speech, nagpahayag ang tinaguriang Asia’s Queen of Songs ng pasasalamat sa PMPC dahil naipagkaloob sa kanya sa unang pagkakataon ang parangal na ugnay sa kanyang propesyon sa daigdig ng musika.

“In the past, I have been receiving awards for the other things I do or other lifetime achievement awards, but this is the first time I am receiving an award for music. So I am greatly honored.

“Music is my life. My life is singing and learning songs. This is an important award that I will forever cherish,” deklara ni Ms. Pilita.Nagsilbing hosts sina Kuh Ledesma, Christian Bautista at Jolina Magdangal.

Ang 2nd Star Awards for Music ay prodyus ng Philippine Movie Press Club at mapapanood sa NET 25 sa October 24. As of press time, pag-uusapan ng club kung bibigyan ng legal action ang unang producer nito na si  Peter Pielago na muntik nang ilagay sa kahihiyan ang 2nd  Star Awards for Music at lumabag sa kontrata. Pero sa kabila ng mga problemang pinagdaanan ng PMPC ay napatunayan ang pagkakaisa ng mga opisyal at miyembro nito para mairaos ang naturang awards night.

Sa naturang awards  night, hagalpak naman kami sa katatawa sa ‘ay palpak’ nu’ng interbyuhin ng isang katoto si  Katrina Paula. Ask ng reporter: Ano ang masasabi niya na inspirasyon siya ni Kris Lawrence sa mga kanta nito? Sumagot naman si Kat: “Ay gusto ko ‘yan….” Pero unti-unting naloloka ang isa pang writer na nasa paligid ng interbyuhan dahil si Katrina Halili ang tinutukoy ng reporter. Bago pa magkahiyaan, hinatak na si Paula. Bwahahaha.(Cynthia?—ED)

JR, STAGE BOYFRIEND NG GF NA BEAUTY QUEEN

Stage boyfriend naman si Jay-R na  kasama  ang beauty queen na girlfriend na si Krista Mae Kleiner. Buong ningning niya talagang kinorek habang iniinterbyu ang gf niya at tinawag na Krissa Mae (dating screen name nito). Feeling siguro ni Jay-R starlet ang gf niya pag tinatawag na Krissa Mae. Umalis  din sila agad kaya wala na si Jay-R nu’ng i-announce na panalo ito bilang  R and B Artist of the Year.

Humabol naman ang rapper-comedian na si Andrew E sa una niyang panalo ng Star trophy bilang producer ng rap album na Clubzilla under his Dongalo Wreckords label. Naka-tie nito as Rap Album of the Year ang Chika Lang ‘Yon mula sa Alpha Records. Pero hindi personal na natanggap ni Andrew E ang kanyang trophy.

Nauna nang i-release ang winners sa pahinang ito. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply