PNoy ‘cool’ lang

OKEY na rin kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mas konti sa inaasahang pinsalang iniwan ng bagyong “Juan.”

Sinabi ni Pangulong Aquino na kahit hindi naabot ang target na “zero casualty” ay maliit na bilang lamang ang naging biktima ng Bagyong Juan.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Pangulo, tatlo ang nasawi at ilang katao ang sugatan.

Ayon sa pinakahuling ulat ay nadagdagan ang nasabing bilang at umabot na sa sampu ang nabawian ng buhay samantalang siyam naman ang nasaktan.

Resulta umano  ito ng sapat at maagap na impormasyon para sa mga residente upang makapaghanda ng maayos.

Kaya kailangan umanong ipagpatuloy ang pagiging alerto at huwag maging kampante kahit humina at paalis na ang bagyong Juan.

Inamin ng Pangulo na  naka-monitor siya sa loob ng Malakanyang at kahit umano kausap ang ilang Mindanao officials hinggil sa peace process at mga anti-poverty officials, regular itong tumatanggap ng report sa galaw at epekto ng bagyo.

“We have been monitoring the typhoon. Fortunately, the government was ready and the citizens properly informed. I have to go back and continue monitoring to keep everybody on their toes,” aniya.

Sa kabilang dako, idineklara naman ni NDRRMC head at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Benito Ramos na “massive” o malawakan ang naging pinsalang iniwan ni Juan sa ilang bahagi ng northern Luzon.

Sinabi ni Ramos na malaki ang naging epekto ni Juan lalo na sa agrikultura tulad ng mga pananim ng mais, palay at iba pa.

Hindi pa rin madaanan ngayon ang mga kalsada na Baguio-Dalupirit-Itogon papunta ng Nueva Viscaya, gayundin ang Kennon Road, Calanasan sa Apayao at papuntang Claveria. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply