PNoy inspirasyon ng RP Team

Itinakda na sa Nobyembre 5 ang send off ng mahigit 240 na mga atletang Pinoy na sasabak sa 16th Asian Games na gagawin sa Guangzhou, China.

Ayon kay Philippine Sports Commission chairman Ritchie Garcia, inaasahan nilang magkaroon ng pagkakataon ang Pangulong Benigno Aquino na madalaw ang mga atleta bago ang kanilang pagtungo ng China.

“Hopefully, si Presidente Aquino ay makadalaw sa amin para naman ma-inspire ang mga atleta natin sa send off na ang presidente natin will be there to wish them luck,” ayon kay Garcia sa panayam ng Bombo Radyo.

Una na ring ipinarating ni Garcia na malaking tulong sa pagpapalakas ng moral ng Philippine Team ang suporta ng mga kababayan.

Batay sa orihinal na schedule, aalis ang unang batch ng Philippine delegation sa November 11 para dumalo sa opening ceremony kinabukasan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply