PNoy naduwag sa kudeta –Cayetano

PINASARINGAN  ni  Senate Minority Leader  Alan Peter Cayetano na tila “naduwag”  si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa kudeta kaya hindi na pinabalik sa serbisyo ang mga opisyal na lumahok sa Oakwood mutiny, kabilang si  Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa panayam,sinabi ni Cayetano na kung hindi natatakot si Pangulong Aquino sa kudeta, dapat pinayagan ng chief executive na muling makabalik sa serbisyo ang mga opisyal na sangkot sa Oakwood mutiny, Marine standoff at Peninsula siege.

“Dapat pinabalik sila. Maalala natin na noong binigyan ng amnestiya ang mga rebeldeng Muslim, pinayagan pa siyang sumanib sa militar,” giit ni Cayetano.

Umaabot sa 78 opisyal ng militar ang hindi pinabalik sa serbisyo alinsunod sa Proclamation No. 50 na may ranggong 2nd Lt. hanggang heneral ngunit sumanib muli sa AFP ang mahigit 361 sundalo na may ranggong private hanggang master sergeant.

Dahil dito, nais ni Cayetano na amendahan ang batas sa pagbibigay ng amnestiya upang payagan na makabalik sa serbisyo ang sinumang opisyal na mabibigyan ng amnestiya sakaling lumahok sa kudeta o pag-aaklas sa gobyerno.

“Kung talagang walang magiging katiwalian at magiging matuwid ang daan at pamamalakad ng administrasyong Aquino, dapat wala itong ikatatakot sa kudeta sakaling makabalik sa serbisyo ang mga opisyal na nabigyan ng amnestiya,” giit ni Cayetano. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply