PNoy pabor sa FOI Bill dati, ngayon ay hindi na

NAGHIHIMUTOK  si Sen. Alan Peter Cayetano sa inuugali ng  administrasyon hinggil sa panukalang sa Kongreso na Freedom of Information (FOI) Bill, na nagbibigay sa media ng karapatang mabuklat ang lahat ng traksaksyon at rekord ng gobyerno.

Sa pagdinig kahapon, sinabi ni Cayetano na noong hindi pa presidente si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III, mahigpit itong sumuporta sa FOI Bill. Ngunit nang mapunta na ito sa Malakanyang, binabalewala na ang liham ng ilang non-governmental organization upang sertipikahan ang panukala.

“Kapag hindi ka pa Presidente, gusto mo ng freedom of information pero kapag Presidente ka na maaaring hindi mo na gusto ang Freedom of Information,” tuya ni Cayetano sa Pangulo.

Inihayag pa ni Cayetano na taliwas ang ganitong patakaran sa ibinabandilang “transparency” at “accountability” ng administrasyon na ipinangako ni Ginoong Aquino noong panahon ng kampanya at sa una niyang State of the Nation Address o Sona.

Sa pagdinig ng Senate committee on public information hinggil sa Freedom of Information (FOI) bill na inihain ni Cayetano at Sen. Francis Escudero, humirit ng mga exemption ang Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) samantalang igiit naman ng Presidential Communications Operations Office ang safeguards sa paglalabas ng impormasyon sa publiko.

Ayon kay  Atty. Norman Daanoy ng Legal Service ng DND sa komiteng pinamumunuan ni Sen. Gregorio Honasan, iginiit nito na dapat hindi ibigay sa publiko ang impormasyon hinggil sa ‘military operations in progress’, ang proceedings sa military court martial at ang mga ‘top secret, secret, confidential at restricted’ documents.

Binalaan naman ni Honasan ang DND na dapat nilang tiyakin na eksakto ang mga intelligence report na kanilang itinatago dahil sa minsan na siyang nabiktima ng maling impormasyong kinakalap ng gobyerno.

“There is no legal defense against an intelligence report especially it is not classified. Kulong ka muna especially when national security is invoked  and then you have your day is court at the whims of the powers at be,”patutsada ni Honasan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply