PNP agents ikinalat kontra hoodlums

NAGPAKALAT ng mga intelligence operatives sa mga residential areas ang Manila Police District (MPD) para mapigil ang pag-atake ng masasamang loob sa paggunita ng Araw ng mga Patay ngayon.

Ayon kay MPD spokesman Chief Insp. Erwin Margarejo, plantsado na ang kanilang paghahanda para sa anti-criminality campaign ngayong Todos Los Santos.

“Naka-deploy po ang puwersa ng ating intelligence operatives. May nakatanim po tayong mga tauhan sa mga residential areas na alam nating sasamantalahin ng mga masasamang loob,” ayon kay Margarejo.

Sinabi naman ni Chief Insp. Edgardo Carpio na nananatiling normal ang sitwasyon sa mga sementeryo, lalo na sa North Cemetery sa Maynila, kung saan ito ang pangunahing pampublikong sementeryo sa Maynila na dinadagsa ng mga tao na dumadalaw sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Margarejo ang mga dumadalaw sa sementeryo na huwag nang magdala pa ng mga matatalim na bagay tulad ng kutsilyo upang makaiwas sa anumang disgrasya.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang mga inuming nakalalasing at ang pagdadala ng mga radyo dahil nagdudulot ito ng ingay sa loob ng sementeryo. Jocelyn Tabangcura Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply