Polusyon mula sa mga sasakyan, saan galing?

SA dalas ng pag-iikot natin araw-araw sa Metro Manila, madalas tayong nakakaengkuwentro ng mga trapik.

Akala natin, may mga aksidente o talagang matrapik. Yun pala, may mga nanghaharang sa mga sasakyan.

Yun bang === anti-smoke belching na mga grupo.

Ang sabi, may ilang dahilan para sa kanilang kampanya.

Una, kailangan nilang linisin ang Metro Manila na itinuturing nang isa sa mga may pinakamaruming hangin sa buong mundo.

Ikalawa, gusto nilang ayusin ng mga may-ari ang kanilang sasakyan upang hindi magbuga ng maruming hangin.

Kaugnay ng una, dahil sa dumi ng hangin sa paligid sa lugar, sinasabing 50% ang nakararanas ng problema sa baga kaya naman marami ang nagkaka-TB, hinihika at kung ano-ano pa, bukod sa pagkakaroon ng kanser sa balat.

Maganda na ring maayos ang mga sasakyan upang mabawasan man lang ang maruming hangin at mga nasabing sakit.

Habang nagsasalita ang mga anti-smoke belcher, nakita nating okey ang kanilang mga layunin. Para naman sa lahat talaga ang kanilang ginagawa.

Kaya lang, mayroon yatang problema.

Bakit kinakailangang pagbayarin ng P1,000 ang mahuhuli? Ano yan, pera-pera?

Eh ang ginagawa ng mga anti-smoke belcher, sa isang iglap ay sinasagad nilang diinan ang mga accelerator hanggang sa mabulunan at magbuga ng usok ang mga makina dahil hindi kayang sunugin ng mga ito ang sobrang diesel o gasolina?

Isa pa, magtanong kayo kung bakit ang mga sasakyan na mabilis tumakbo sa ibang mga bansa ay mababagal sa mahal kong Pinas.

Yun pala, marurumi ang mga gasolina at diesel na ibinebenta rito.

Ngayon lang nagbebenta ang mga kompanya ng langis ng sinasabi nilang malilinis na diesel pero wala naman talagang nakasisiguro rito.

Ang klaro lang ay napakamamahal ang mga ito at hindi na kaya ng pampublikong sasakyan na bilhin.

Aba, puro gutom ang karaniwang pagkain ng mga pamilyang driver ng mga traysikel, jeepney, taxi at bus kaya paano sila bibili niyan?

Ngayon, ini-smoke belching ba ng gobyerno ang mga kompanya ng langis?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply