Posibleng matsugi sa programa ni Papi: Dancer ni Willie ang ipinalit ni Joem kay Meryl

HINDI ang long distance love affair ang tinuturong dahilan sa hiwalayang Joem Bascon at Meryl Soriano.

May bulong kasi ang aming tsismosang kapitbahay na may plano mag-aral sa abroad si Meryl na tila ito raw ang pinag-aawayan nina Joem at Meryl.

Pero ayon sa kampo ni Meryl, hindi ang pag- aaral niya abroad ang kanilang pag-aaway kundi may other girl itong si Joem.

Kaya naman nagpasiya na si Meryl na hiwalayan at makipag-split na dyowa na ito na babaero pala. At ang ikinaloka pa ni Meryl ay itong dancer daw ang bagong kinahuhumalingan nitong si Joem.

At hindi nga lang daw tsika kundi na-confirm ni Meryl na nagloloko daw itong si Joem at ikinaloka pa ng anak ni Willie Revillame ay isa sa dancer ng dating Wowowee at bitbit pa daw ang dancer na ito sa TV5.

Marami ang humula na isa nga ba kina Luningning, Mariposa at Lagring ang ipinalit ni Joem dito kay Meryl?

Kaya bulong ng aming tsismosang kapitbahay na tila nanganganib ang dancer na ito ni Papi na kung bakit ang dyowa pa ng anak ng TV host  ang inahas nitong dancer.

Abangan na lang daw kapag nawala na ang dancer na ito at siya ang sinasabing umahas sa bf ni Meryl.

Mismong si Papi nga raw ay imbiyerna sa dancer na ito at tila pati daw anak niya ay kinatalo pa.

‘Yun na!

BILLING NINA BONG AT BOSSING PINAG-AARALAN PA

KUNG sakali namang magsama sa isang pelikula itong sina Bong Revilla Jr. at Vic Sotto, isa lang naman ang pinoproblema ng mga kampo nina Bong at Bossing.

Hindi daw papayag ang kampo ng politician actor na si Bong na mahuli ang namesung nito sa billing. At hindi rin pabor ang kampo ni Bossing Vic na mahuli din ang name nito sa billing kaya naman ‘yung nagpaplano na iprodyus at pagsamahin sa iisang pelikula itong sina Bong at Bossing ay may problema ngayon.

Naging problema na din ito kina Vilma Santos at Nora Aunor nang magsama sa iisang pelikula itong mag-kumare sa pelikulang T-Bird At Ako.

Pero nagawan din ng paraan ng producer at nawala din ang awayan ng bawa’t kampo ni Ate Vi at Ate Guy. Ito naman ngayon ang pinag-aawayan ang billing ng dalawang hebigat na aktor natin ngayon dito sa Pinas.

At ang nakakaloka pang tsika ng aming tsismosang kapitbahay ay itong hindi matutuloy ang plano ng pelikula na pagsasama ng dalawa kapag hindi naayos ang billing ng namesung nitong si Bong at Bossing.

Well, marami pa namang umaasa na matuloy ang pagsasama sa iisang project itong sina Bong at Bossing.

Simple problem lang naman ang iniisip ng mga kampo nilang dalawa, di ba?

Abangan!

JUSTINE MERCADO NG OLA CHIKA AKA ATE GLORY, NA MISS ANG PAGKANTA

GRAVECIOUS naman ang pag-amin ng isa sa Ola Chika ng WaterPlus dati ni MRG at isa nga sa medyo gumuhit ng pangalan sa music industry ay itong si Justine Mercado aka Ate Glory kasama sina Levis, Raymond at Angelo na may kanya-kanya ng kapalaran na tinatahak.

Magaling siyang di hamak mag-impersonate kay PGMA kumpara dito kay Ate Glow. Kahit nga sa pagkanta at pagso- show ay hataw to the max itong si Justine, na ang buong akala nga niya ay tuloy tuloy na niyang matatalikuran ang showbiz industry.

Kaso minsan ay hinahanap hanap nito ang showbiz at gusto nitong balikan ang dating mundo na una niyang niyakap at minahal.

Tanging ang kanilang first cd album ng Ola Chika ang nagsisilbing alaala nitong si Justine at inamin nito ng bonggang-bongga na na-miss daw nito talaga ang pagkanta.

Kaya naman kahit fulltime na ito as call center agent sa kilalang kumpanya ay pipilitin naman niyang makakanta o magkaroon ng gigs kahit once or twice a week lang.

Welcome, Justine! Jovi Lloza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply