Poverty fund wawaldasin ng DSWD sa maluhong behikulo

SA kabila ng ipinatutupad na pagtitipid ng gobyerno, nakatakdang gumastos naman ng milyon-milyong pisong pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bumili ng magagarbong sasakyan.

Ibinunyag ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na batay sa kanilang nakuhang dokumento, bibili ang DSWD ng 14 na four-wheel drive pick-up at tatlong bagong SUV’s na tinatayang nagkakahalaga ng P 24.1 milyon.

Ayon kay Casiño, sa October 13, nakatakdang i-anunsyo ng DSWD kung sino ang nanalong bidder sa kontrata.

Kinukwestiyon ng kongresista kung bakit ibinibigay ng administrasyon ang lahat ng luho ng ahensya samantalang tinanggal ang pondo para sa capital outlay ng mga State Colleges at Universities kasama na ang iba pang ahensya ng gobyerno na mas nangangailangan ng pondo.

Nagtataka si Casiño kung bakit bibili na naman ng bagong sasakyan ang DSWD samantalang noong 2009, bumili rin ito ng 11 4×4 pick-up na nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply