Powerade at Beermen kumalas sa 1-1 slate

Nagkahiwalay na ang apat  na team na pawang tangan ang 1-1 slate na nagtumpok sa ikatlong puwesto ng 10-team standing ng PBA Philippine Cup ng mamayani ang Powerade laban sa Barako Bull, 87-77, at nang kanain ng San Miguel ang sister team na Ginebra San Miguel, 69-68, sa double header sa laro sa Araneta Coliseum.

Sina Gary David at Dennis Espino na pumuntos ng 23 at 17 ang nagpasiklab sa Tigers habang sina Reed Hontilla at Paul Thiele ang nagbigay ng laban sa Energy Booster sa kanilang 19 at 13 points output.

Maganda ang buena mano ni former San Sebastian coach Ato Agustin sa paggabay sa San Miguel Beermen sa pagpapataob sa Barangay Ginebra.

Mula sa 21 puntos na pagkakalubog sa unang half, unti-unting binura ng Beermen ang kalamangan ng Gin Kings sa pamamagitan nina Arwind Santos at Jay Washington na bumanat ng 20 at 13 hanggang mapanatili ang kalamangan at tapusin ang laro sa manipis na 69-68.

May tiyansa pang makatabla at posibleng manalo ang Gin Kings sa huling 6.5 segundo subalit sumalto ang pasa kay Miller ng tumama ang bola sa paa niya dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Santos hanggang sa pagtunog ng buzzer.

Magbabalik ang laro bukas sa Cuneta Astrodome sa pagitan ng Talk N’ Text at Rain Or Shine at ang pinakahihintay na bakbakan ng Meralco Bolts vs Derby Ace Llamados sa main game.   RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply