Press Club pinaboran ng Korte

INAPRUBAHAN ng Korte Suprema kahapon ang petisyon ng National Press Club (NPC) hinggil sa mga kasong libelo ng mga mamamahayag.

Ayon sa report, pinayagan ng Supreme Court ang petisyon ng NPC na patawan na lamang ng P6,000 kabayaran ang bawat journalist na mapapatunayang nagkasala sa kasong libel, sa halip na ikulong.

Kamakailan, nagsumite ang NPC ng position paper na inaprobahan ng mga senador sa isang public hearing para sa Freedom of Information Bills.

Inaprubahan ng mga senador ang proposal na bawasan ang bilang ng “days of action” sa dalawa hanggang limang araw sa bawat kahilingan ng media man sa mga dokumento ng kahit anong opisina ng gobyerno.

Sa nasabing pagdinig, ipinanukala rin ng NPC na lahat ng klase ng impormasyon, kasama na ang mga sikreto at confidential files, ay buksan sa publiko 20 taon matapos itong i-file.

Hiniling din ng NPC sa mga senador na ilabas ang lahat ng mga non-confidential data sa websites.

Ayon kay NPC president Jerry Yap, plano rin nilang isumite ito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang mas lalo itong mapagtibay. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply