Presyo ng harina lolobo pa, asukal matatag

TINIYAK kahapon ng malaking samahan ng mga negosyante na magiging matatag ang presyo ng asukal hanggang sa susunod na buwan pero lolobo naman ang presyo ng harina sa merkado.

Pinangambahan ang pagtaas ng halaga ng harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay makaraang lumobo umano ang halaga ng trigo sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon sa Alfonso Uy, pangulo ng Capiz Sugar Mills, walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga produktong asukal mula ngayon hanggang sa katapusan ng buwan ng Nobyembre matapos na gumanda ang supply nito sa lokal na merkado.

Pero  gagalaw muli ng presyo ng pandesal at loaf bread  bago sumapit ang Kapaskuhan matapos na tumaas ang halaga ng trigo sa pandaigdigang pamilihan.

Wala namang inilabas na pahayag hinggil dito ang Philippine Association of Flour Millers bagama’t batid ng malaking grupo ng mga panadero na sapat pa naman ang supply ng harina bago pa man tumaas ang halaga ng trigo kaya’t walang dahilan upang humirit kaagad ng dagdag presyo ang mga flour millers.

Magugunita na humigpit ang kumpitensiya sa bentahan ng harina ng mga lokal na flour millers makaraang pumasok sa bansa ang Turkish flour na halos kalahati lamang ang presyo kumpara halagang itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa kada sako ng lokal na harina. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply