Presyo ng tinapay babagsak sa Pasko

BABABA  ang presyo ng tinapay pagsapit ng December o Christmas Season, ito ang napag-alaman kahapon ng Remate.

Ayon sa  Department of Trade and Industry (DTI), palalawigin ng anim na buwan ang zero tariff sa pag-angkat ng trigo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng harina sa Pasko.

Ayon kay Trade Sec. Gregory Domingo, irerekomenda nila kay Pangulong Noynoy Aquino ang extension ng  Executive Order 863 na nagpapahintulot sa walang taripang pagpasok ng trigo at harina para matiyak na abot kaya ang halaga ng tinapay sa mga pamilihan.

Sakaling mailatag ng technical comittee on tariff and related matters ang rekomendasyon sa Pangulo, mailabas na umano ang kautusan ngayong Oktubre o sa susunod na buwan.

Matatandaang pinagmamadali ng gobyerno sa technical working group para sa pagpapalawig ng zero tariff sa trigo. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply