Presyo ng tinapay hindi magbabago

“STABLE pa rin ang presyo ng tinapay hanggang sa buwan ng Disyembre.”

Ito ang inihayag kahapon sa ginanap na mini press conference  ni Lucito Chavez, vice president ng Federation of Bakers Association of the Philippines,  at mga miyembro ng Philippine Society of Baking (PSB) kasabay sa pagdiriwang ng World Bakers Day sa darating na Sabado.

Samantala, umapela naman ang grupo kay Pangulong Benigno Aquino III na suportahan sila sa pagkakaloob ng mga makabagong teknolohiya at makina sa paggawa ng tinapay.

Sinabi pa ni Chavez na maraming aktibidades na isasagawa sa pagdiriwang ng World Bakers Day.

Kabilang na rito ang pamamahagi nila ng tinapay sa Tondo, pagsuporta sa fun run at pagkakaloob ng mga oportunidad sa kabuhayan upang makatulong sa mga maliliit na panadero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply