‘Private armies’ isasa-legal

UPANG tuluyan ng masugpo ang paggamit sa mga private security guards bilang private armies o goons ng mga politico,  isinulong sa Kamara ang isang panukala na magsasa-professionalize sa industriya ng private security agencies.

Inihain ng isang neophyte congresswoman ang House Bill 3453 o ang “Private Security Agency Law of 2010”  na tuwirang sususog sa Republic Act 5487 kung saan pangunahing probisyon dito ay makapaglagay ng “safeguards for the public against private security agencies that act as private armies.”

” Private body guards or protection agents should not be used as private armies. These safeguards become relevant because of the proliferation of human rights violations and election-related violence that have both been associated with the existence of private armies,” ayon kay Rep. Emmeline Aglipay ng Democratic Independent Workers’ Association (DIWA) Party-list.

Layunin din ng panukala ang tuwirang pagsugpo sa red tape sa industriya ng pribadong security agencies sa larangan ng pagli-lisensya, operasyon at regulasyon nito.

Tinukoy ng kongresista sa kaniyang panukala na 40 taon  matapos maisabatas ang Republic Act No. 5487, o ang Private Security Agency Law ay marami na aniyang probisyon dito ang hindi akma sa makabagong panahon sa larangan ng private security service.

Minarapat ni Rep. Aglipay na konsultahin si Philippine National Police (PNP) Director-Gen. Raul Bacalzo na agad namang sumuporta sa gagawing pagrepaso at pagbabago sa Private Security Agency Law maging sa mga implementing rules nito upang mapabuti ang buhay ng mga security guards.

Kabilang din sa mga nagpahayag ng suporta sa panukalang ito ang may 400,000-strong Philippine Association of Detective and Protective Agency Operators (PADPAO) na nanawagan din sa pangunguna ng DIWA Party-list na masugpo ang “regulatory bureaucracy” sa industriya. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply