Produktong ibinasura sa abroad ibabawal

PATAWAN ng kaparusahan ang sinumang nagpapasok sa Pilipinas ng mga produktong bawal gamitin o kainin sa mga bansang pinagmulan nito. Ito ang nakapaloob sa House Bill 1153, na pangunahing inakda ni Camarines Rep. Luis Villafuerte.

Inihayag ni Villafuerte na patuloy ang paglobo ng mga reklamo laban sa mga gamot, pestisidyo, insecticides, pampaganda at pampayat na ngayon ay nagkalat sa lokal na pamilihan.

“Some cases have been established to have caused injurious effects to human life, livestock and vegetation.  These foods have been banned in their country of origin because of the harmful effects of their use and this must be stopped,” giit pa ni Villafuerte.

Nakapaloob sa panukala ng kongresista na ang anomang kompanya na sangkot sa importasyon ay dapat kumuha muna ng clearance certificate mula sa kinauukulang ahensya sa bansa kung saan nanggaling ang naturang produkto.

Dapat aniyang maging malinaw sa sertipikasyon na ang produktong ipinasok nila sa Pilipinas ay maaaring gamitin o kainin at hindi ipinagbabawal sa bansang pinanggalingan. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply