PSE binulabog ng bomb threat

NAHINTO ang operasyon ng Philippines Stock Exchange (PSE) makaraang bulabugin ng bomb threat ang gusali sa Ayala Ave., Makati City kahapon ng umaga.

Sa kabuuan, may dalawang opisina sa Tower 1 Building ang sinasabing nilagyan ng bomba, pati na ang basement at parking area. Inilikas ang mga tao sa gusali at nahinto ang kalakalan dahil sa banta.

Bagama’t ayaw aminin na bomb threat ang dahilan, kinumpirma ni Philippine Stock Exchange (PSE) chairman Hans Sicat na iniimbestigahan pa ang naturang banta.

Ngunit ayon kay PSE president at CEO Val Antonio Suarez, nahinto ang trading dahil sa security reasons.

Nagbalik ang operasyon ng kalakalan pagkatapos ng clearing operations ng mga awtoridad.

Sa kabila nang paghinto ng kalakalan, tumaas ng 1.3 percent ang main stock index ng Philippine Stock Exchange. Pasado alas-dose ng tanghali nang pinabalik ang mga empleyado matapos na ideklara ng Makati police SWAT team na negatibo ang bomba. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply