Publiko ibinitin ni PNoy sa IIRC report

MULI na namang binitin ni Pangulong Aquino  ang publiko kaugnay sa desisyon nito sa pag-aaral ng kanyang legal team sa naging rekumendasyon ng  Incident Investigation and Review Committee (IIRC) sa nangyayaring august 23 hostage crisis.

Ang katuwiran ni Communications Operations Sec. Herminio Coloma ay ilalahad ni Pangulong Aquino ang bagay na ito sa takdang panahon.

Nauna nang ipinangako ng Chief Executive sa taumbayan na ngayong linggo ay ihahayag niya ang kanyang naging desisyon sa rekumendasyon ng IIRC team subalit sinabi naman ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte na hindi pa tapos ang ginagawang pag-aaral ng Punong Ehekutibo sa usaping ito kaya’t hindi naihabol na maisama o maisabay sa 100 days speech ni Pangulong Aquino na ihahayag nito ngayon (Oktubre 7).

Uunahin ni Pangulong Aquino  ang kanyang “ulat sa bayan” bago maglabas ng desisyon sa report ng IIRC.

Mas mahalaga  ang  ilalahad na accomplishments sa loob ng unang 100 araw.

Ito ang pagkakaabalahan nilang ihahanda ngayong maghapon.

Umapela  ang Malakanyang na iwasan muna ang ispekulasyon at hintayin ang pahayag mismo ng Pangulong Aquino. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply