Pulayan ng Cabalen raratsada

SA  pagdiriwang na mismo ng Pampanga Day sa Disyembre 11, magbabalik eksena ang pamosong Pulayan o Takbuhan  ng Dekada ’80 sa Ciudad de San Fernando.

Mas kilala sa tawag na Ciudad de San Fernanado Pulayan, ang 4-in-1 footrace na isinaayos ng oldest running club sa bansang  San Fernando Runners Unlimited, Inc.(SAFER RUN) ay kapapalooban ng distansiyang 21K, 10K, 5K at 3K,  ayon kay race director Police Major Fernando Lansangan.

Makakatuwang  ng SAFER RUN ang Pamahalaang Panlalawigan ni Gov. Lilia Pineda, Rep. Dong Gonzales, Pamahalaang Panglungsod ng San Fernando ni Mayor Oscar Rodriguez,  Bacolor Mayor Jomar Hizon, Guagua Mayor Ricardo Rivera at Police Regional Office 3, Speed Detergent Bar, Hotel Victoria de San Fernando at Tanduay Rhum,

Salaping gantimpala at gift pack ang mapapasakamay ng unang sampung kalahok na tatawid ng meta sa apat na kategoryaqng nabanggit, samantalang lahat makakatapos ng tampok na 21-kilometrong lakbayin ay tatanggap ng Pulayan Finisher’s Medal sa pamamagitan ng pag-alalay ng  MILO, SM (Pampanga/Clark), Isport Botak, United Engineers-Singapore, RC Cola, Jollibee-Sn. Fdo. Town Proper, DDRivera Const. & Trdng..

Kikilalanin din ang tatanghaling grupong may Biggest Delegation, AFP/PNP Fastest Runner,  Youngest at Oldest Runner, Media, Sr. Citizen  at Capampangan Fastest Runner.

Sa interesadong lumahok, makipag-ugnayan sa 0921-9200371/6045057, 0917-5824806 at 0919-9338267.  Ed Paez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply