Pwersa ng Heat bumabagsik

LALONG bumabagsik umano ang puwersa ng Miami Heat matapos nitong tanggapin si Jerry Stackhouse.

Si Stackhouse ay nasa Heat na kahapon, isang araw makaraang matuklasan ng NBA championship hopefuls na nasaktan ang kanilang swingman na si Mike Miller dahil sa matinding praktis at sa Enero pa ito sa susunod na taon makakabalik.

Si Stackhouse, na 36-anyos na sa susunod na buwan, ay nag-a-average ng 8.5 points sa 42 games bilang reserve ng Milwaukee Bucks noong nakaraang season.

“Ito ay napaka-exciting na pagkakataon sa aking basketball career,” pahayag ni Stackhouse, isang two-time All-Star, na lalahok na sa kanyang pang-anim na team. “I am ready to compete at the highest level,” wika pa niya.

Kahapon din ay sumama na rin sa praktis si Dwyane Wade na nagkaroon ng injury sa right hamstring noon pang Oct. 5.

Samantala, natuklasan na kinuha na rin ng New Orleans Hornets ang serbisyo ni guard Jerryd Bayless na hinugot mula sa Portland Trail Blazers sa first-round pick sa 2011 draft.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply