Ramonal at Delgado magbabangasan bukas

MAGBABASAGAN ng mukha bukas sina Philippine Superbantamweight champion Jhunriel Ramonal (9W-2L, 6 KOs) at Ariel “Machine Gun” Delgado (19W-5L-2D, 8 KOs) sa Biñan City Plaza sa Laguna kung saan nakataya ang korona ng una.

Si Ramonal na tubong Sindangan, Zamboanga Del Norte ay napanalunan ang bakanteng Philippine 122-LB title sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Sonny Gonzales noong April 24, 2010.

Samantala, si Delgado naman na tubong Silay City, Negros Occidental ay isang veteran pugilist. Dati siyang WBC Asian Boxing Council 122-LB champion na nagwagi ng regional title sa pamamagitan ng mabagsik na knockout win laban kay  Thailander Rachamongkol Kokietgym sa ikatlong round noong December 28, 2007 sa Yasothorn, Thailand.

Ang bangasang Ramonal-Delgado ay magsisilbing  main event ng 9-fight boxing card na katatampukan ng 70 exciting rounds ng professional boxing.

Si Ronnelle Ferreras ay makikipagtuos kay Nelson Llanos sa loob ng 10 rounds habang si Richard Pumicpic ay haharap kay Rey Sumapig sa 10 rounds. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply