Ramonal vs Delgado nauwi sa draw

NAPANATILI ni youthful champ Jhuriel Ramonal sa kanyang beywang ang RP super-bantamweight title  nang mauwi sa tabla ang kanilang 12 round na sagupaan ni Ariel Delgado kamakalawa ng gabi sa Binan Plaza, Binan City, Laguna.

Naging eksplosibo ang sagupaan at dahil sa bungguan ng ulo ay nagkaroon ng sugat sa kilay si Ramonal.

Naapektuhan ng sugat ang performance ni Ramonal at nang pumasok ang ring doctor ay nakitaan ito ng panghihina kaya hindi na maaaring ituloy ang laban.

Ayon sa ringside physician, ito ang dahilan kaya sinabihan niya si referee Ferdinand Estrella na awatin na ang laban.

Marami na rin umano ang nawalang dugo kay Ramonal kaya itinigil na ang sagupaan.

Nahirapan din umano ang cutman ng kampeon sa pagpapaampat ng nasabing sugat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply