Re-routing ng trapik sa Parañaque City palpak

NAGDULOT ng mabigat na daloy ng trapiko ang re-routing traffic scheme sa Parañaque City na sinimulang ipatupad kahapon.

Ayon kay Traffic Engineering Director Neomie Recio ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), karamihan sa mga driver ng pampublikong sasakyan ay hindi alam na ipinatutupad na ang nasabing direktiba.

Ayon kay Recio, bagsak sa inilatag na requirements ng ahensya ang Parañaque City Traffic Office bago pa man isakatuparan ang traffic scheme.

Aniya, halimbawa ay ang pagkabigo nitong maglagay ng iba’t ibang traffic signs sa iba’t ibang parte ng lungsod.

Bahagi ng hakbang na ito ang layunin ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na mapababa ang bigat ng trapiko sa mataong lugar ng Baclaran ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Ang Baclaran ang paboritong pamilihan ng marami, lalo na sa mga Pamaskong kagamitan at mga item na pang-regalo. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply