Rebel soldiers susugod sa Senado

IPINATAWAG ng Senate committee on peace and unification ang ilang matataas na dating opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang humarap sa pagdinig ng Mataas na Kapulungan sa pagpapatibay ng Amnesty Proclamation ni Pangulong  Aquino.

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona, chairman ng peace and unification committee at Senate Majority Leader Vicente Sotto III, chairman ng Rules Committee,  na kailangang magkaroon ng pagdinig sa amnesty proclamation alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas. Nakatakdang dumalo sa pagdinig sina dating Army Scout Ranger Gen. Danilo Lim, Ret. Marine Col. Ariel Querubin, ating 1st Lt. Col. Francisco Acedillo, at dating Maj. Gen. Renato Miranda.

Nasangkot sina Lim at Querubin sa Marine standoff sa Fort Bonifacio at sina Acedillo, tagapagsalita ng Magdalo Group at Miranda sa Oakwood mutiny na naganap noong nakaraang administrasyon.

Sa bahagi ng Palasyo, dadalo naman si Senior Deputy Executive Sec. Jose Amorado at sina Ret. Commodore Rex Robles Ret. Col. Eduardo Kapunan at dating National Sec. Adviser Jose Almonte.

Matatandaan na ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Proclamation No. 50 na naglalayong burahin ang lahat ng pagkakasala at kasong nakaangkla sa pag-aaklas ng Magdalo Group noon sa Oakwood mutiny at Peninsula siege kabilang ang grupo nina Lim at Querubin sa Marine stand-off. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply