Reklamo kay Tserman Jiminea ng Tondo

SINISILIP ang mga pangit na aktibidades ni Brgy. Chairman Fernando Gimenea ng Brgy. 267, Zone II, diyan sa Tondo, Maynila.

Dati na raw inireklamo si tserman dahil sa laganap na pasugalan sa kanyang nasasakupan, na gaya ng illegal bookies at video karera na kinahuhumalingan ng matatanda at bata.

Alam naman ng lahat na mahigpit na ipinagbabawal ang ganyang iligal na pasugalan.

Sa kabila nga nang naganap na raid noon, sa panahon ni dating alkalde Lito Atienza ay sinalakay na ang mga pasugalang ito ni tserman ngunit sa panahong ito, muli na namang namamayagpag ang nasabing mga pasugal.

Maging ang mga kagawad ng barangay ay tikom lamang ang bibig at hindi makakontra sa kanilang amo sa pagmanipula sa kanlang lugar.

Wala raw silang magagawa dahil si kapitan ang amo sa kanilang barangay.

Ang nagmamanipula at pinanser ng pasugalan sa lugar ni tserman ay walang iba kundi sina Buboy Go, Boy Abang at isang alyas Lorna.

Ang mga iyan din ang sumusuporta para raw sa pangangampanya ng nasabing ama ng barangay na ating tinutukoy.

Kinukuwestiyon tuloy ng mga naninirahan diyan kung papaano nagkaroon ng negosyong punerarya at beerhouse sina tserman at misis nito gayung wala namang nakitang nagawang proyekto ang kapitan de barangay?

Kung proyektong pasugalan daw, iyon lamang ang masasabing nagawa ni tserman sa kanilang lugar. Maliban doon ay wala na!

Tapos, tumakbong muli ang mama nitong nakaraang eleksiyon.

Hinayaan na lamang ba ng mga taga-Brgy. 267, Zone 2 na muling maging kapitan si tserman Jimenea?

Mag-isip po kayo!

Binabati naman natin sina Kagawad Lauro “Mang Tisoy”

Ang at Miguel  “Gege” Pamatian ng Bgy. San Roque, DBB-C, Dasmarinas, Cavite.

Gayun din comgrats kay Carding Herman ng Victoria Reyes, nanalong barangay tserman sa lugar!

Binabati rin natin si Anicia Austria, siya po ang biyenan ni Congressman Elpidio Bargaza ds San Simon.

Kayo talaga ang maaasahan sa inyongbarangay!

Keep up the good work, guys! Mabuhay po kayo!

TUMAKBONG BARANGAY TSERMAN DINAYA!

MARIIN kinondena ng tumakbong brgy. chairman ng Brgy. Plainview, Mandaluyong City ang garapalang anomalyang naganap nitong nakalipas na Brgy. at SK elections.

Naghain ng reklamo sina Julio de Quinto, kandidato para Punong Barangay; mga kandidato para kagawad na sina Jeffrey de Quinto, Erwin Villegas, Dindo Cristobal , Edgardo dela Cruz, Jerry Casem , at Eric Villanueva sa Comelec laban sa katungalin nilang sina Ryan G. Mendoza (chairman), mga kagawad na sina Mark Bello, Lemuel bonga,Peter Cruz, Hubert delos Santos, Michael, Willy Pascual at Blanca Romero, sa kasong pamemeke ng mga dokumento, tampering of ballots, pananakot sa mga botante at watchers; pagdadala ng mga flying voters; pagsakay ng mga balota sa sasakyan ng isang politiko at paggamit ng sasakyan ng barangay.

Hinihiling ni Quinto sa pamunuan ng Comelec na agad na gawan ng kaukulang aksiyon ang nasabing mga insidente.  Maging ang mga taga-suporta ni Quinto, sumisigaw ng hustisya sa maruming halalan naganap sa Plainview kung saan sangkot ang isang kongresman.

Kung sino man ang nakakakita ng hindi maganda o anomalya sa inyong paligid, maaari kayong mag-text sa CP#09213813053 o mag-email sa arnold112761@yahoo.com. Arnold Pajaron

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply