Robredo, Puno sabay ipinasisibak

INIREKOMENDA ng mga kongresista kay Pangulong Aquino na sibakin na lamang pareho sa pwesto ang nagbabangayang sina DILG Secretary Jesse Robredo at DILG Usec Rico Puno.

Binigyang diin ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nakakahiya ang dalawang opisyal na lantarang nagbabangayan sa publiko.

“Masyado nang nagiging liability ang mga ito sa pangulo at dinadagdagan pa ang napakaraming problema ng Punong Ehekutibo.

Sa panig naman ng mismong kababayan ni Robredo na si Camarines Rep. Luis Villafuerte ay sinabi niyang “ang rekomendasyon ko diyan ay dapat pareho na silang alisin.  I think that is the solomonic solution to the issue.”

Sa Huwebes ay nakatakdang dumalo sa deliberasyon ng alokasyon ng DILG para sa 2011 si Robredo kung saan nagbanta siyang kakalkalin ang napakaraming isyu laban sa kalihim.

Una na rito ang aniya’y nakakahiyang pagtanggap ni Robredo ng pwesto na kalahati lang ang kaniyang duties and functions at pangalawa ay ang kwestyunableng pagkamamamayan nito na hindi naman aniya isang Pinoy kundi isang Chinese.

“Kukwestyunin ko ang kaniyang citizenship.  There are two pending cases on his citizenship, one with the immigration and the other is with the Supreme Court. Ang pagiging Robredo niya ay peke.  Hindi Robredo iyan, ang grandfather niya ang pangalan ay Lim Teng ang lola ay Chua so dapat ang tatay niya ay Jose daw,  Jose Chua Lim, so paano naging Robredo,” paliwanag ni Villafuerte.

Kay Puno naman na naunang nagdeklara na si Robredo umano ay bahagi ng nagaganap na paninira laban sa kaniya.

Naniniwala naman si Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Milagros Magsaysay na dapat pareho nang mag-alsa balutan sina Puno at Robredo dahil nakakaapekto na sila sa pamumuno ng pangulo. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply