RP pugs inaalipin sa Australia

INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad sa Australia ang isang pamilya na nangre-recruit ng mga boksingero sa Pilipinas nang magreklamo ang apat na Pinoy fighters sa immigration department matapos umano silang maltratuhin.

Ayon sa ulat, ang mga Cebuanong boksingero ay nakatira lamang doon sa isang garahe, walang heater at gumagamit ng mga sira-sirang treadmill.

Idinagdag pa na pinaglalaba rin ang mga boksingero at pinagtatrabaho sa bahay na parang mga houseboys.

Ang report ay kasalukuyan pang iniimbestigahan ni Sen. Eric Abetz ng Canberra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply