RP rowers inaasahang papasok sa Asian Games

Ipinauubaya na ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee ang desisyon kung makapapasok para sa 16th Asian Games ang RP dragon boat teams.

Ayon kay PSC chairman Ritchie Garcia, namangha silang lahat sa naitalang rekord kahapon ng koponan, kung saan, nalagpasan ng mga ito ang time record noong 2008 Asian Championships sa Malaysia.

Pero ayon kay Garcia, wala naman siyang nakikitang imposible sa performance ng Filipino rowers dahil nakita rin nito kung paano nagsikap ang mga atletang Pinoy para makapasok sa international competition.

“Kaming lahat ay namangha sa nakuhang record ng ating mga dragon boat rowers. Pero, wala akong nakikitang imposible dito dahil alam naman natin na talagang nagsikap sila para makapasok sa Asian Games,” ayon kay Garcia.

Una rito, mistulang nagtampo na rin si dragon boat team head coach Nestor  Ilagan dahil parang pinagdudahan ng mga sports officials ang kanilang performance kahapon.

Sa Biyernes, inaasahang ipalalabas ng POC ang desisyon kung isasama sa RP delegation sa China ang dragon boat team.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply