RP students sasabak sa int’l water rocket competition

Matapos durugin ang 23 iba pang paaralan sa national contests, 2 estudyante mula sa Tacloban City ang kakatawan sa bansa sa international water rockets competition na gaganapin sa Australia sa susunod na buwan.

Lalaban sina Julius Dacuycoy at Edward Louie Chua ng  Asia Development Foundational College (ADFC) kasama ang 20 iba pang bansa sa Asia Pacific Regional Space Agency Forum (APRSAF) Water Rocket Competition sa Nobyembre.

Ang ADFC ang kumatawan sa bansa noong huling APRSAF Water Rocket Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand nitong Pebrero.

“Competitions are great venues for our students to put their best foot forward and exercise their excellence and skill,” ani Dr. Ester Ogena, director of the Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI).

Kada taon ay nagsasagawa ang  DOST-SEI ng National Water Rocket Launching Competition bilang bahagi ng World Space Week Celebration upang matuto ang Pinoy tungkol sa space science.

Ngayong taon, ang national contest ay ginanap sa Marikina Riverbanks center na dinaluhan ng 24 schools.

Pinalipad ng mga estudyante ang kanilang water rocket sa ginanap na 2010 National Water Rocket Launching Competition sa Marikina Riverbanks Center.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply