RP team nangakong susungkit ng ginto sa Asiad

Ang bansang Japan at ang Tajikistan ang tinuturing na mabigat na kalaban ni Filipino gold medalist Arnel Ferrera sa nalalapit na 16th Asian Games na gaganapin sa Guangzhou, China sa darating na November 12 hanggang November 27.

Sinabi nito na todo ang kanyang paghahanda ngayon para matiyak ang panalo ng Pilipinas sa larangan ng athletics.

Si Ferrera ay nakapag-uwi ng apat na gold medals sa apat na South East Asian Games na sinalihan nito simula noong taong 2003.

“Para sa akin, mabigat na kalaban ang Japan kasi sila ang No. 1 at ang Tajikistan. Pero gagawin pa rin natin ang lahat para maka-uwi tayo ng gintong medalya sa ating mga kababayan,” ani Ferrera.

Noong 25th SEA Games sa Laos, binasag ni Ferrera ang sarili nitong record kung saan nakapagtala ito ng bagong 61.62 meters na record sa hammerthrow.

“Sana po suportahan ninyo kami. Ipanalangin po ninyo na maganda ang aming kondisyon at kalusugan sa araw ng aming laro.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply