Rudy Fernandez pinagmulta ng $50K

PINAGMULTA ng pamunuan ng National Basketball Association (NBA) si Portland Trail Blazers swingman Rudy Fernandez ng halagang $50,000 dahil sa mga komento laban sa kanyang European agent noong isang linggo.

Idinepensa naman agad ni Gerard Darnes ang kanyang alaga sa pagsasabing ito ay na-homesick at hindi na nagnanais na maglaro sa NBA.

Si Fernandez ay pinagmulta rin ng $25,000 dahil naman sa statements niya sa kanyang U.S. agent noong Agosto.

Siya ay nag-a-average ng 8.1 points, 2.6 rebounds at 2 assists noong nakaraang season ngunit hindi nakalaro sa 20 games dahil sa injuries.

Samantala, pinalagda ng Trail Blazers si 7-foot center Steven Hill na bahagi ng huling dalawang season ng NBA’s development league.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply