Ruffa, tinapos na ang lahat ng namagitan sa kanila ni John Lloyd

Tinapos na ni Ruffa Gutierrez ang anumang namamagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz. Kahapon sa Paparazzi ng TV 5, naglabas ng sama ng loob si Ruffa laban kay Lloydie.

Nagsimula ang isyu nang itanggi ni Lloydie na tumatawag siya kay Ruffa, kahit na girlfriend niya si Shaina Magdayao. Si DJ Mo Twister, co-host ni Ruffa sa Paparazzi ang nagbuko na tumatawag nga ang actor kay Ruffa na itinanggi nga ni John Lloyd.

Hindi naitago ni Ruffa ang pagkairita sa interview ni Lloydie sa SNN ng Dos, na pinalabas ng actor na tumatawag nga siya kay Ruffa para linawin lang ang isyu sa kanila.

Sabi ni Ruffa kung hindi raw kayang panindigan ni John Lloyd ang pagtawag-tawag nito sa kanya ay tigilan na nila ang isa`t-isa.

“It`s not enough that you`re cute and lovable. You have to have a backbone!” say ni Ruffa.

Napuno na si 2nd Princess sa pagtatakip sa friendship nila ni Lloydie. Kaya tinapos na niya ang lahat para matahimik na sila.

Sabi pa ni Ruffa, lumuwag na ang pakiramdan niya matapos niyang maglabas ng sama ng loob sa TV tungkol kay John Lloyd.

“I feel relieved and I feel vindicated. I just really wanna move on quietly. I`m here in this business not for publicity. Matagal na akong maraming publicity sa buhay. You know, I`m here to work and to have a decent living so I can send my two little girls to a good school,” say pa ni Ruffa.

Sinabi pa ni Ruffa na naging madali lang sa kanya na wakasan na ang lahat ng ugnayan nila ni John Lloyd.

“Ang sa akin lang kasi don’t put me in the bad light. Huwag mong palalabasin na ako ang naghahabol. Ayoko na! Tama na! My God!” tsika pa ni Ruffa.

Anyway, hindi naman daw naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Vina Morales (ate ni Shaina Magdayao) sa nangyayari ngayon.

MICHAEL V, DI NA ALAM KUNG ILAN ANG NATANGGAP NA AWARDS

Sa dami ng award na natanggap ni Michael V bilang Best Comedian ay di na niya matandaan kung anu-ano ito.

Overjoyed si Bitoy dahil ang Pepito Manaloto na siya nang bumuo ng istorya`t konsepto ang tinanghal na Best Comedy Program sa CMMA 2010 kamakailan.

Ang iba pa niyang honors bilang Best Comedy Actor ay galing sa PMPC Star Awards for TV, CMMA at Asian TV Awards, at achievement din niyang itinuturing na malagay sa cover ng Readers Digest.

Ang head writer ng Bubble Gang na si Caesar Cosme ang nagbuking na di lang nila artista si Bitoy sa BG, kundi isa rin creative director ng longest running gag show sa telebisyon.

Sa ika-15 years ng Bubble Gang, bibigyang pugay ang di malilimutang mang-aawit, kompositor at komedyante at original na hari ng OPM na si Yoyoy Villame sa isang horror comedy special sa Friday, October 29 pagkatapos ng Beauty Queen.

SHINING STAR, WALO NA LANG ANG NATITIRA

Walo na lang ang natitira sa Top 12 Shining Star sa Star Factor at ngayon pa lang ito umiinit dahil baka dalawa sa contestant ng reality search artista ng TV5 ang matsugi sa Linggo.

At kaabang-abang kung sino sa mga natanggal ang muling makakabalik sa Star Factor. Magkakaroon kasi ng wild card kapag apat na lang ang natira sa contest.

Ayon sa mga hurado, baka raw dalawa sa natsugi ang ibalik nila sa contest para makasama ang apat na natirang Star Factor contestants.

Ang final ay malalaman sa buwan ng December at kung sino ang tatanghaling first Star Factor winner ay siguradong instant star ng TV5. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply