Rufino susuntok para sa WBC title

NAKATAKDANG makipagtuos si Philippine featherweight champion Vinvin Rufino kay Malcolm “The Stone” Klaasen ng South Africa sa November 6 para sa WBC International superfeatherweight title sa  Emperor’s Palace, Kempton Park, Gauteng, South Africa.

Ang 29-anyos na si Rufino (29-W (KO 13) 11-L 3-D) ay natalo sa pagtatangka nitong manalo ng OPBF featherweight title noong Marso sa pamamagitan ng split decision loss kay Naoki Matsuda sa Tokyo.

Ngunit nakabangon naman si Rufino nang maidepensa ang Philippine title niya nang sikwatin ang majority decision win laban kay Adonis T.I. Yamagata Aguelo.

Samantala, si 29 taong gulang namang si Klaasen (24W (15KO) 5L-2D) ay dating world titlist na tumalo kay Gairy St. Clair sa pamamagitan ng split decision para sa IBF superfeatherweight title noong 2006.

Gayunman, naagaw sa kanya ni  Mzonke Fana sa pamamagitan ng split decision ang korona noong 2007.

Noong isang taon naman ay natalo rin siya kay Robert Guerrero via unanimous decision sa isa pang title attempt para sa IBF belt.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply