S. Williams umayaw sa Qatar championship

Sasailalim sa isang surgery si tennis superstar Serena Williams dahil sa injury sa paa kaya inihayag nito na maaga siyang magpapahinga at hindi na maglalaro sa Qatar championship.

Una rito, muling sumailalim sa surgery si Williams dahil sa “torn tendon” sa kanang paa nito.

Bunsod ng anunsyo ni Serena, hindi na maglalaro ang Williams sisters sa WTA Championships sa susunod na linggo sa Doha, Qatar at Fed Cup final sa pagitan ng Amerika at Italy sa Nobyembre sa San Diego.

“Serena Williams is one of the great champions of all time, and she will be missed by her many fans at the year end WTA Championships,” ayon naman kay WTA CEO Stacey Allaster matapos matanggap ang anunsyo ng tennis star.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply