Sa 31st Tammer Cup sa Finland: 4 RP pugs swak sa medal round

PASOK na ang apat na pambato ng ABAP National Boxing Team  sa medal round ng 31st Tammer Cup na ginaganap sa Tampere, Finland at patunay lamang ito na handa na silang sumabak sa Asian Games sa Guangzhou, China sa susunod na buwan.

Sina Victorio Saludar, Charly Suarez, Delfin Boholst at Rey Saludar ay pumarada na patungong gold medal fight nang magtamo ng magkakahiwalay na panalo sa nasabing prestihiyosong torneo.

Matatandaan na nang lumahok ang bansa noong 2006 sa nasabing palaro ay nakapasok din sina Joan Tipon at Violito Payla at kapwa sumungkit ng ginto.

Dinuplika rin nila iyon nang sumugod sila sa Doha Asian Games ng nasabi ring taon.

Ang batang Saludar ay umani ng 1-0 deficit na gumulat kay Russian Artem Ivaschenko, 4-1.

Si Suarez naman ay nangibabaw kay Finnish Petteri Frojdholm, 7-2, sa kanilang 56-kilogram encounter.

Samantala, si Boholst ay dinemolis si Jarkko Putkonen, 6-0, sa 64-kilogram class.

At noon din, si Rey Saludar ay tumapos ng magandang laban kontra kay Irish Declan Gerraghty sa final score na 8-5 sa sagupaang ginanap sa Pyynikin Palloiluhallissa Sports Hall.

Ikinatuwa naman ng pamunuan ng ABAP ang pangyayari at sinabing magandang simula ito para sa kampanya ng Pilipinas sa Asian Games.

Layon ng RP team na makahakot ng maraming ginto sa nasabing torneo ngayong Nobyembre. GP

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply